Image hosting by TinyPic
Memories: Tagalog Tayo NGAYON

Memories

never fade away

Sunday, September 04, 2005

Tagalog Tayo NGAYON

Kakatapos lang ng Buwan Ng Wika o pwede rin nating tawaging Linggo ng Wika. Pagsasamantalahan ko na ang PAGTATAGALOG ko sapagkat magsisimula nanaman ang Kampanya ng Pag-IIngles...

Kahapon.. Isa ako sa mga estudyanteng nangangailangan ng remedial class( DALAWANG BANYAGANG MGA SALITA) sa GEOMETRY. Ang saya saya ko kahapon sa pagkat mas lumalawak ang kaalaman ko sa asignaturang etoh. =p . Pagkatapos ng aming remedial class.. pumunta si Charie at Ariane sa aking tahanan. Kami ni Ariane ay naglaro ng Badminton kahapon.

Pagdating ng hating gabi (joke!) Ng dumilim na ang paligid ako'y nanuod ng KIM POSSIBLE: SO THE DRAMA sa Disney Channel. Ang ganda ganda niya sapagkat maganda yung takbo ng storya AT NAKAKAKILEG SIYA. Nanuod rin ako ng UNTALKATIVE BUNNY habang pinapanuod ko yun.................. May naalala akong tao sapagkat... siya lang ang kilala kong may gusto sa palabas na yun. =p

Tumawag ako kay Charie.. Medyo nagkalabuan kami sapagkat mali ang importasyon na nilalaman ng ating utak tungkol sa Chemical Reactions sa Chem.

---Sa susunod muli?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home